Sabado, Hulyo 28, 2012

              SIYENTIPIKONG PAGA-ARAL SA EKONOMIYA 
"ANG PAGBABA NG PANGKABUHAYAN NG BANSA"


1.Pag aaral ng suliranin sa pamagitan ng pagmamasid
                      Ang pagbaba ng kabuhayan ng bansa ay dahil na rin sa pagtaas ng mga bilihin at dahil na rin sa mga taong mahirap na walang hanapbuhay.

2. Pagbuo ng haka-haka  
                    dahil hindi kayang bilhin ng mga tao ang mga produktong sobrang taas dahil sa kakulangan ng pera.

3. Paglikom ng mga datos
                   KULANG sa pagkain ang bansa. Katibayan dito ang kaku­langan sa bigas na kailangang pumila ang mamamayan para makabili ng murang NFA rice. Malaki ang pangangailangan sa bigas at nakasandal na ang gobyerno sa mga bansang mayaman sa bigas gaya ng Thailand, Vietnam, Laos at iba pang bansa saAsia. Kahit na maraming naaaning palay sa Pilipinas, hindi pa rin sapat. Kulang na kulang sapagkat walang tigil ang pagdami ng populasyon. Matagal nang panahon na bumibili ng bigas ang bansa at ngayon ay patuloy pa rin.
Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong kasalatan sa pagkain at ang isang ma­ituturong dahilan ay ang pagkaubos nang mga bukirin na dating inaanihan nang maraming palay. Ganoon din naman ang iba pang lupain na taniman ng prutas, gulay, at iba pang halaman.
Wala namang dapat sisihin dito kundi ang kalu­wagan ng gobyerno sa pagbibigay ng permiso para ang mga lupang sakahan at i-convert para pagtayuan ng mga bahay. Masyadong naging maluwag kaya mapapansin na halos pawang mga kabahayan na ang makikita sa mga lugar na dating may inaaning mahusay na variety ng palay. Ngayon, pawang bahay na ang makikita sa mga lugar na dating bukirin. Mayroon nang bahay ang nakararaming Pinoy sa Metro Manila at iba pang karatig na lugar. Pero ang problema, wala namang makain. Merong bahay   pero walang mailaman sa sikmura.
Alin nga ba ang mahalaga ang bahay o ang sik­murang nagrerebelde? Para sa amin mas maha­lagang mayroong pagkain kaysa bahay. Mas ma­hirap matanggap na meron ka ngang bahay pero wala namang pagkain at ang mga anak ay namumuti ang mga mata sa gutom.
Maski si Vice President Noli de Castro ay tutol  na ang mga lupaing sakahan ay pagtayuan ng mga bahay lalo pa ngayong may kasalatan sa pagkain. Maski walang rice shortage, hindi raw dapat i-convert ang lupain para pagtayuan ng bahay.
Mas mahalaga ang pagkain kaysa bahay kaya hindi dapat maging malambot ang gobyerno sa pagbibigay ng permiso para wasakin ang mga bukirin na pinagkukunan ng palay. Panahon na para manindigan sa isyu.

4. Pagsubok ng teorya
               Para sa aking palagay, kailangan nang konting pagbawas ng mga bilihin para abot kaya ng  mga mahihirap.

5. Kongklusyon
              Ayon sa aking mga nabasa, ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ngayon ng ating bansa subalit maari itong solusyunan kung mayroon tayong sapat na edukasyon, trabaho at pinagkukunang yaman ng bansa


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento